Calendar

P7.63M halaga ng ecstasy nasabat sa Clark
CLARKFIELD, PAMPANGA–Umaabot sa 4,491 piraso ng ecstasy na nagkakahalaga ng P7,634,700 noong Miyerkules ang nakumpiska sa Port of Clark, Pampanga.
Ayon sa PDEA Clark Interdiction Unit, ang shipment na naglalaman ng mga iligal na droga nagmula sa Belgium at dumating sa Port of Clark noong Marso 29.
“Nakatanggap ng impormasyon ang PDEA International Cooperation and Foreign Affairs Service (ICFAS) na may darating na parcel mula sa Belgium sa Port of Clark.
Ang nasabing impormasyon ipinadala ng PDEA Intelligence Service (PDEA-IS) sa PDEA Regional Office 3 na naging dahilan ng matagumpay na operasyon ng interdiction,” pahayag ng PDEA.
Sa presensya ng mga tauhan ng PDEA Clark at iba pang testigo, sinuri ng Bureau of Custom Port of Clark ang package na naglalaman ng ecstasy at nagbunga ng positibong resulta.
Nakumpiska ang kontrabando ng NBI Pampanga District Office, PNP Aviation Security Unit 3, PNP Drug Enforcement Group, PDEA IS at PDEA SES K-9 Unit.