Calendar

Sarah Discaya humabol sa peace covenant kahit masama pakiramdam
Binatikos ng mga residente ang anila ay biro ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kaniyang katunggali sa pagka-mayor na si Sarah Discaya.
Kasunod ito ng insidente sa idinaos na peace covenant event kung saan ginawang biro umano ni Sotto ang hindi pagdalo ni Discaya sa aktibidad.
Ayon sa ilang residente, pinalabas ng alkalde na hindi dumalo sa peace covenant si Discaya gayong pinilit naman nitong makahabol sa aktibidad kahit masama ang kaniyang pakiramdam.
Una nang binatikos din ni Pasig City congressional candidate Atty. Christian “Ian” Sia ang umano’y biro.
Ayon kay Sia, kahit masama ang pakiramdam, nagtungo pa rin sa Comelec office si Discaya para lumagda sa peace covenant.
Nabatid din na hindi nakaabot si Discaya sa aktibidad na idinaos sa Sta. Clara de Montefalco Parish dahil maaga itong natapos bunsod ng maaga ring pagdating ni Sotto na agad na umalis matapos ang photo opportunities sa media.
Pinuna ng mga taga-suporta ni Discaya ang hindi umano pag-apruba ng City Hall sa hiling nitong venue para mapagdausan ng political campaign.
Sa halip na sa Plaza Rizal, ang inaprubahang venue ay ang Caruncho Avenue.
Dahil dito, napilitan ang kampo ni Discaya na ipagpaliban ang kick off campaign dahil maaari silang makaabala sa mga motorist ana dumaraan sa nasabing kalsada.