Isko

Hindi ako magsasalita ng masama sa Manileno–Isko

Edd Reyes Apr 4, 2025
23 Views

WALA sa hinagap nina dating mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Chi Atienza na magbato ng kritisismo sa kanilang mga katunggali bilang paraan ng pangangampanya.

Sinabi ni Domagoso na ilalatag nila ng kanyang bise alkalde ang mga plataporma pati na ng kanyang mga nagawa sa maikling panahon ng kanyang panunungkulan.

“Ayokong magtanim ng hinanakit o magsalita ng masama sa kapwa ko Manileño. Leaders should not divide the people.

Kami, mag-uulat at mangangako sa mga bagay na gagawin namin, ayon sa hinihingi ng taumbayan,” pahayag ni Domagoso.

Dagdag pa ng dating alkalde, aalamin nila ni Atienza kung ano ang hinaing at alalahanin ng mga residente upng doon nila ituon ang mga programa at proyekto na kailangang balangkasin.

May pagkakataon pa na ipinagitna ng mga senior citizen sa kalsada para makamayan at masipat ang dating alkalde at Chi Atienza

Labis naman ang kasiyahan ng alkalde sa mainit na pagtanggap ng marami sa kanilang grupo kaya’t panay ang hingi niya ng dispensa sa mga umaasang residente na dadaan din sa kanilang lugar ang motorcade subalit hindi nila nagawa sa dami ng mga nagnanais na sila’y makadaupang palad.