NBI Iniharap ni NBI Director Jaime Santiago ang naarestong suspek sa pang-aabuso sa kanyang 2 stepdaughters at sariling anak sa San Pablo, Laguna. JONJON C. REYES

NBI kinalawit padrastang nanuhog ng 3 nene

Jon-jon Reyes Apr 4, 2025
20 Views

NAILIGTAS ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Cavite North District Office (NBI-CAVIDO North), sa ilalim ng pangangasiwa ni Director Jaime Santiago, ang dalawang menor de edad na babae mula sa pang-aabuso ng kanilang stepfather sa Laguna.

Nag-ugat ang pagliligtas sa sulat ng isang non-government organization tungkol sa tatlong batang babae na biktima ng sexual abuse ng kanilang stepfather.

Ayon sa salaysay ng dalawang stepdaughter, na may edad 19 at 14-anyos, nagsimula ang insidente noong 2023 habang naninirahan sa bahay ng suspek sa San Pablo City at ang kanilang ina nagtatrabaho sa Kuwait.

Inaabuso sila sa pamamagitan ng paglamas sa kanilang maselang katawan sa bandang itaas at pag pasok ng daliri ng suspek sa loob ng kanilang ari.

Karaniwang nangyayari ang pang-aabusong sekswal habang sila natutulog sa kanilang kwarto at ang suspek may dalang patalim.

Nagbabanta ang suspek na sila’y papatayin kung magsusumbong kaninuman.

Maging ang 4-anyos na anak ng suspek hindi nakaligtas sa suspek.

Ayon pa sa dalawang stepdaughters, gumagamit din umano ang suspek ng ipinagbabawal na gamot.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law), RA No. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), at RA 9208 na sinususugan ng RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012).