Martin

Tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng Kamara sa pribadong sektor tiniyak ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Apr 5, 2025
19 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na patuloy na makikipagtulungan ang pinamumunuan nitong Kamara de Representantes sa pribadong sektor, upang maging pangmatagalan at inklusibo ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang inihayag ng pinuno ng 306-kinatawan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ginanap na 34th biennial convention dinner ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) noong Biyernes ng gabi, na dinaluhan ng 800 delegado sa pangunguna ni Federation President Cecilio Pedro.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang pederasyon sa mga naging ambag nito sa pambansang kaunlaran at pagpapatatag ng bansa sa pamamagitan ng pagnenegosyo, pakikilahok sa mga gawaing sibiko at pagkakaisang pangkultura.

“As Speaker of the House, I assure you of our continued support. Together with President Marcos, we will continue to work hand-in-hand with the private sector to create the conditions for inclusive, sustainable, and innovation-led growth,” ani Romualdez sa mga miyembro ng FFCCCII.

Ayon sa kanya, sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nakamit ng bansa ang matibay na pag-unlad sa ekonomiya sa kabila ng mga kinakaharap nitong pandaigdigang hamon.

“In 2024, we recorded one of the highest GDP (gross domestic product) growth rates in ASEAN, coupled with improved credit ratings and rising investor confidence. Inflation has been tamed, the peso remains stable, and employment is growing,” ayon pa sa kongresista.

“These gains are not abstract figures. They translate into more jobs, better wages, expanded MSMEs (micro, small and medium enterprises), improved infrastructure, and more opportunities for Filipino families to rise from poverty,” paliwanag pa ng pinuno ng Kamara.

“These gains are not abstract figures. They translate into more jobs, better wages, expanded MSMEs, improved infrastructure, and more opportunities for Filipino families to rise from poverty,” dagdag pa niya.

Binanggit niyang malaking bahagi ng pag-unlad ay bunga ng masigasig at bukas na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa pribadong sektor, lalo na sa mga organisasyong tulad ng FFCCCII.

“From supporting government compliance campaigns to your flagship Operation: Barrio Schools, your federation proves that businesses thrive best when they give back to society. You have built schools, organized medical missions, conducted relief efforts, and mobilized resources during national emergencies. You have done all these quietly and consistently — and for that, you have our admiration and gratitude,” ayon pa sa mambabatas.

Ipinaalam din ni Speaker Romualdez sa mga negosyanteng Filipino-Chinese na patuloy na itutulak ng Kamara ang mga reporma na magpapalakas sa mga negosyante, malalaki man o maliliit.

“We have passed laws to cut red tape and digitalize public services. We are modernizing our tax system to make it fairer and more business-friendly. We continue to support legislation that boosts the MSME sector, protects our local manufacturers, and promotes foreign direct investments,” aniya.

“We are investing heavily in digital infrastructure and alternative energy to reduce power costs and ensure connectivity in every corner of the country. And we are reviving key sectors like tourism, agriculture, and logistics — making sure no region is left behind,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin niya na ginagawa ito ng Kongreso “because we believe that prosperity must be shared — and that our progress as a nation depends on the success of our entrepreneurs.”

Ibinahagi rin ng pinuno ng Kamara na siya ay na-inspire sa tema ng kombensiyon ng FFCCCII na “Technology, Innovation, Entrepreneurship — Key to Prosperity.”

“Indeed, these are the very foundations upon which we must build a Bagong Pilipinas — one that is resilient, competitive, and inclusive,” ayon kay Speaker Romualdez.

Pinuri rin niya ang 800 delegado ng pagtitipon “for your boldness in innovation, your discipline in business, and your deep sense of civic duty.”

“Your hard work is helping build a better, stronger, and more united Philippines,” dagdag niya.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang ipinagdiriwang ng mga miyembro ng FFCCCII ay hindi lamang ang tagumpay ng kanilang samahan kundi maging ang mahalagang ugnayan ng pamahalaan at ng sektor ng negosyo na nagdulot ng malinaw na benepisyo sa ekonomiya at sa buhay ng karaniwang Pilipino.

“To the incoming FFCCCII officers and the continuing members of the Federation — may you always be guided by the same spirit of excellence and service that has defined your organization for over seven decades,” pagtatapos ni Speaker Romualdez.