Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Droga

Buy-bust isinagawa sa Calatrava; ‘HVT’ laglag, P13.6M droga nakumpiska

Alfred Dalizon Apr 9, 2025
29 Views

ISANG ‘high-value’ drug personality sa Western Visayas ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency matapos siyang magbenta ng dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million sa isang undercover agent sa Calatrava, Negros Occidental nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang nadakip na ‘HVT’ sa alyas na ‘Khent,’ isang 23-anyos na high school graduate na naninirahan sa Barangay Suba sa munisipalidad ng Calatrava.

Ayon kay PDEA chair, Director General Isagani R. Nerez, nahuli ang suspek sa isang buy-bust operation sa Bgy. Bantayanon na isinagawa ng mga tauhan ng PDEA Region Office 6 sa tulong ng Calatrava Municipal Police Station bandang 10:45 ng gabi n Lunes.

Nakuha sa naturang operasyon ang dalawang vacuum-sealed platic packets na naglalalaman ng dalawang kilo ng shabu na may halagang P13.6 million at ang buy-bust money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II o sale at possession ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.