Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Remulla

Remulla: Pagsuko kay ex-pres Duterte sa ICC may legal basis

38 Views

THE law maybe harsh but it is the law.”

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla habang nilinaw na ang pagkilos ng mga awtoridad kaugnay sa pagsuko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) isinagawa alinsunod sa umiiral na batas.

Ipinagtanggol ni Remulla ang desisyong isuko ang dating pangulo sa ICC at iginiit na ang Republic Act 9851 ang nagsilbing legal na batayan ng pamahalaan.

“This is a case of first impression and the case is now filed before the Supreme Court. And we are all waiting for the SC to decide with finality,” ani Remulla.

Kahit maaaring humiling ng extradition laban kay Duterte, hadlang dito ang naging desisyon ng Pilipinas na kumalas sa ICC noong panahon mismo ni Duterte.

Si Duterte ang nag-utos ng pagkalas ng Pilipinas mula sa ICC noong panahon ng kanyang panunungkulan kahit walang pag-apruba mula sa Senado.

“Hindi aandar ang extradition dahil wala na tayong membership sa ICC. ‘Yan ang best judgment para sa amin,” dagdag pa niya.

Sa parehong pagdinig sa Senado, nagbigay-linaw si dating Supreme Court Justice Adolf Azcuna ukol sa legal na interpretasyon kaugnay ng mga kasunduang pandaigdig at international cooperation.

Naaresto si Duterte noong Marso 2025 matapos maglabas ng diffusion notice at arrest warrant ang ICC kaugnay ng mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan.

Sa Senate inquiry na pinamunuan ni Sen. Imee Marcos, ipinaliwanag ni Remulla na ayon sa Section 17 ng RA 9851, pinahihintulutan ang mga awtoridad ng Pilipinas na magsuko ng mga akusado sa isang international tribunal.

Dagdag pa ng senador, ang diffusion notice mula sa ICC ipinamahagi sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration at Department of Justice.

Ipinunto naman ni Azcuna na ang Section 17 ng RA 9851 tumutukoy sa pagsuko ng isang indibidwal sa international tribunal “pursuant to applicable laws, extradition laws and treaties.”

Ipinaliwanag niyang muling nagiging epektibo ang bisa ng Rome Statute sa ilalim ng lokal na batas kapag isinagawa ang surrender base sa RA 9851.

“The applicable treaty is the Rome Statute. It is brought back into application by our own Section 17 if you do a rendition,” ani Azcuna.

Nagpahayag din sina Sen. Marcos at iba pang mambabatas ng katanungan kung nasunod ang mga pamantayan ng batas sa bansa, kabilang ang karapatan ng akusado na dumaan sa lokal na korte.

Tinukoy ni Sec Remulla ang isyu bilang isang case of first impression, na nangangahulugang wala pang naunang desisyon mula sa Korte Suprema ukol dito.

Iginiit nina Remulla at Azcuna na ang usapin nasa kamay na ngayon ng Korte Suprema, na kasalukuyang tumatalakay sa mga petisyong inihain ng legal team ni Duterte.

Ang pagdinig tumalakay sa ugnayan ng mga obligasyong internasyonal, lokal na batas at mga karapatang dapat ibigay sa mga taong inaaresto batay sa warrant mula sa pandaigdigang hukuman.