Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
PAL

DOTr sec sa PAL: Ipaliwanag bakit inilipat ang flight PR 102

Jun I Legaspi Apr 10, 2025
28 Views

IPINAG-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon sa Philippine Airlines (PAL) na ipaliwanag kung bakit inilipat ang flight PR 102 at tiyakin ang kompensasyon para sa mga apektadong pasahero.

Nagbigay din ng direktiba si Secretary Dizon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.

Ang PAL flight PR 102, na lumipad noong Abril 9 patungong Los Angeles ay inilipat sa Haneda Airport dahil sa usok na lumabas mula sa air conditioning unit ng eroplano.

Ayon sa PAL, ligtas ang lahat ng 355 pasahero ng flight matapos ang insidente.

Nakipag-ugnayan na ang DOTr sa Haneda Airport upang magbigay ng suporta sa mga apektadong pasahero at tiyakin ang kanilang ligtas na pagbaba mula sa eroplano.

LIGTAS na nakababa mula sa eroplano ang lahat ng 359 na pasahero at 18 na flight deck at cabin crew ng Philippine Airlines Flight PR102.

Ang ground operations team ng airline sa Tokyo Haneda Airport ay nagbigay ng buong suporta sa mga pasahero, kabilang na ang pamamahagi ng pagkain, tulong sa mga bagahe, at pag-aasikaso sa mga alternatibong flight upang matulungan silang magpatuloy sa kanilang mga biyahe.

Ang PR102, na orihinal na papunta sa Los Angeles, ay umalis mula sa Manila noong Abril 9, 2025 (Miyerkules), ngunit kinailangang dumaan sa Tokyo Haneda Airport matapos maiulat ang usok mula sa isa sa mga air conditioning units ng eroplano. Ligtas na nakalapag ang eroplano sa Haneda bandang 3:30 AM lokal na oras. Naitalaga ang disembarkation gate bandang alas-10:00 AM.

Tiniyak ng Philippine Airlines na ang kaligtasan ng mga pasahero at crew ang kanilang pangunahing priyoridad. Ayon sa kanilang pahayag, patuloy nilang tinutulungan ang mga awtoridad ng paliparan at aviation upang matugunan ang insidente.