Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Vax

Center sa pagsasaliksik ng vaxx vs FMD, ASF pwede na sa CenTrAD

Cory Martinez Apr 11, 2025
36 Views

MAGSISIMULA na ang testingng ng bakuna para sa mga hayop laban sa African Swine Fever (ASF), Foot-and-Mouth Disease (FMD) at Avian Influenza (AI) sa Center for Transboundary Animal Diseases (CenTrAD) sa Muñoz, Nueva Ecija na ini-inaugurate kamakailan.

Ang mga sakit na ito ang pangunahing banta sa livestock at poultry industry sa bansa gayundin sa seguridad sa pagkain sa bansa.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., naglaan ang ahensiya ng pondong P151 milyon para sa tatlong taong vaccine development program pati ang pagbili ng kauna-unahang Biosafety Level 3 Laboratory (BSL-3) ng gobyerno.

Nakalaan ang uring ito ng laboratoryo para magsaliksik sa mga mikrobyo, indigenous at exotic na maaaring makapagdulot ng potensiyal na nakamamatay na sakit sa pamamagitan ng pagsinghot.

Sinabi pa ni Tiu Laural na layunin din ng programa na makagawa ng bakunang prototypes pagsapit ng 2028 o mas maaga pa.

Ipinaliwanag pa ni Tiu Laurel na bagama’t may nagagamit na bakuna sa ibang bansa para sa ASF, AI at FMD, mas epektibo ang mga gawang lokal na bakuna batay na rin sa katutubong sakit.

Ang pasilidad na nakalaan lang para sa vaccine unit sa CenTraD mahalaga para matugunan ang pagkalugi sa ekonomiya dulot ng ASF at AI at para mabantayan ang mga hayop laban sa FMD.

Bilyon-bilyong piso ang nalugi sa sa sektor ng pag-aalaga ng baboy simula pumutok ang ASF noong 2019.

Maraming trabaho ang nawala dahil sa ASF at bilyun-bilyong pamumuhunan at kita ang nawala at naging balakid upang makamit ang seguridad sa pagkain.

Ang AI nagresulta sa pagkamatay ng mahigit 10 milyong manok simula nang kumalat noong 2017.

Bagamat kinokonsidera ng World Organization for Animal Health ang Pilipinas na FMD-free, nananatiling banta sa mga baboy at ruminant na mga hayop ang mga kaso ng naitalang sakit sa mga kapitbahay na bansa.

“Ang National Animal Vaccination Program tungkol sa pagpapalakas, pagpapalakas sa ating mga magsasaka ng kaalaman pagpapalakas sa mga beterinaryo ng kanilang pagkukunan at pagtiyak sa ating bansa para sa pagtatatag ng mas malakas at malusog na kinabukasan.

Ito’y testamento ng kapangyarihan ng siyensiya, ang kahalagahan ng kolaborasyon at ang hindi maitatangging katotohanan na mas mainam na mapigilan ang problema kaysa ayusin ito kapag nangyari na,” ani Tiu Laurel.

Ang CenTraD facility joint project ng Bureau of Animal Industry na nasa ilalim ng DA at Central Luzon State University (CLSU) at pinondohan ng DA.

Ang center nakatakdang maging pangunahing ahensiya para sa pagtukoy, pagmanman, pagsaliksik at pag-unlad ng teknolohya na may kinalaman sa transboundary ng mga sakit ng hayop.

Matatagpuan sa tabi ng CLSU Veterinary Teaching Hospital, ang CenTraD laboratoryo para magsaliksik tungkol sa microbiology, molecular, virology, parasitology at histopathology gayundin ang pagsasanay sa epidemiology at digital analysis room.

Pinangunahan ni Tiu Laurel, kasama sina DA Undersecretary for Livestock Dante Palabrica , CLSU President Evaristo Abella, DA National Livestock Program Chief Dr. Claro N. Mingala at Dr. Virginia M. Venturina, Director ng CenTraD, ang inauguration ng pasilidad.