Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BBM

Sen. Jinggoy sinuportahn safe conduct pass para sa mga sumukong rebelde

31 Views

SINUPORTAHAN ni Senate President Pro Tempore Jose “Jinggoy” Ejercito Estrada ang bagong memorandum order na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpapahintulot sa pagbibigay ng safe conduct passes para sa mga aplikante ng amnestiya.

Itinuturing ng senador na mahalagang hakbang sa pagsasakatuparan ng amnesty program ang memo na ito na nauna nang pinagtibay ng Kongreso.

“Having steered in the Senate the concurrence to the presidential proclamations granting amnesty to rebels and insurgents, I am pleased to hear that the process facilitating their safe and lawful reintegration to our society has begun,” aniya.

Layunin ng mga proklamasyong inilabas noong 2023 na bigyang-amnestiya ang mga kasapi ng iba’t-ibang grupo na gumawa ng mga pagkilos batay sa kanilang paniniwalang politikal.

Sa tulong ng safe conduct pass, magagawang makagalaw ng malaya ng mga aplikante habang isinasailalim sa proseso ng amnestiya ng hindi nangangambang maaresto agad.

Binigyang-diin ni Estrada na ang hakbang na ito bahagi ng mas malawak na estratehiya ng pamahalaan para sa kapayapaan at nagpapakita ng paghahanda para sa pangmatagalang katatagan ng bansa.

“The silencing of guns, the end of warfare and the cessation of hostilities serve as the foundation of lasting peace, prosperity and economic growth,” ayon sa senador.

“Bagong buhay at bagong pag-asa para sa mga dating rebolusyunaryo at itinuturing na kalaban ng pamahalaan ang hatid nito,” aniya.

Iginiit ni Estrada ang kanyang matagal ng adbokasiya ng pagkakasundo sa pamamagitan ng legal at institusyonal na pamamaraan.

Sa mga nakaraang deliberasyon sa Senado, hayagan niyang inendorso ang amnesty bilang isang epektibong paraan para sa peace building at minsan nang sinabi: “Amnesty is the best policy.”