Lacuna

Mayor Honey: Manila gagawin kong no red tape, no corruption

Edd Reyes Apr 20, 2025
21 Views

BIBIGYANG prayoridad ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga proyektong magpapabago sa lungsod sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Lacuna, sa susunod na tatlong taon uunahin ng kanyang administrasyon hindi lamang ang pagpapaganda kundi ang pagsasaayos ng mga sira, luma at delikadong bahagi ng Maynila para sa kaligtasan, kaayusan ng bawat Manileño

“Makakamit natin ito sa tulong ng national government at pribadong sektor nang hindi kailangang ibaon sa utang ang lungsod.

Tamang suporta, hindi dagdag pasanin sa Manileño. Isasakatuparan ang lahat ng ito sa prosesong tapat at totoo—mabilis, transparent, walang red tape at walang bahid ng korapsyon,” pahayag ng alkalde.

Dagdag pa ng alkalde na mayroon ng mga proyektong pagpapaunlad para sa Maynila ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) may programa na ring solar lighting sa Maynila.

Aniya, mayroon ng proyektong pabahay ang DHSUD sa Tondo sa ilalim ng presidential proclamation at ang magiging papel na lamang ng lokal na pamahalaan maipatupad ito ng maayos.

“We will have green corridors, as well as express lanes, one-stop shops and streamlined paperwork. We will work with the Anti-Red Tape Authority to remove every unnecessary signature and document. We will cut processing times,” pagtiyak pa ng alkalde.

Tiniyak din ng alkalde na tutulong sila sa Department of Transportation (DOTR), sa Philippine National Railways (PNR), LRT-1 at 2 at MRT upang maalis ang mga panganib na pinagmumulan ng sunog malapit sa mga train stations at makikipagtulungan din sila sa Meralco upang maisakatuparan ang paglalatag ng mga kawad sa ilalim ng lupa sa ilang lugar sa Maynila.