Tulak Kinilala ni MPD Director P/BGen. Benigno Guzman (kaliwa) ang mga naarestong suspek matapos marekober sa kanila ang mahigit sa P1.7 million na halaga ng droga sa Sta. Cruz, Manila.

250 gramo ng shabu nasamsam sa 3 pinaghihinalaang tulak

Jon-jon Reyes Apr 21, 2025
23 Views

TIMBOG ang tatlong suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga na umaabot sa P1.7 milyon sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa buy-bust sa San Lazaro St., Brgy. 340, Sta. Cruz, Manila noong Sabado.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Negro, 37; Bolong, 40; at Reymond, 49, ayon sa report.

Ayon kay MPD chief P/BGen. Benigno Guzman, nasabat ng mga pulis ang mga suspek at narekober sa possession nila ang tinatayang 250 gramo na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Nahaharap ang mga nasakote sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11 of 9165 (selling/distribution and illegal possession of illegal drugs) habang paglabag sa Sec. 11 of 9165 (illegal possession of illegal drugs) ang isasampa kina Bolong at Reymond.