Calendar
Kongreso pinroklama si Marcos bilang 17th Pangulo at VP Sara
PORMAL nang iprinoklama ng National Board of Canvassers o NBOC ang nanalong presidente at bise preaidente sa nakaraang 2022 presidential and vice preaidential elections.
Pinangunahan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco ang pagtaas ng kamay ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice president elect Sarah Duterte-Carpio
Bago ang proklamasyon, ilang Certificates of Canvass o COCs ang naantalang basahin ng National Board of Canvassers (NBOC) mula sa Sultan Kudarat, Basilan, Mandayulong, Pampanga at Maynila ang ilan dito subalit nagpatuloy pa rin ang NBOC sa pagbibilang ng mga naantalang COCs.
Bagamat nagkaroon ng bahagyang pag-antala, sinabi ni House Majority Leader Martin Romualdez na hindi ito maka-aapekto sa magiging resulta ng bilangan. Sa bandang huli, pormal din binasa ang mga naantalang COCs.
Makaraang basahin ang huling Certificates of Canvass na galing sa Manila sa kabuuang 173 COCs, ideneleklara nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Romualdez na i-terminate ang proseso ng canvassing.
Pansamantalang sinuspindi ang joint session habang hinihintay ang draft committee report na aaprubahan ng lahat ng miyembro ng NBOC.