Calendar
Pacquiao personal na sinamahan ni dating VP Leni sa kaniyang house-to-house sa Naga City
“WALANG masamang tinapay”.
Ganito mailalarawan ang eksena sa pagitan nina dating Vice President Leni Robredo at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao.
Ito ay matapos dayuhin ng dating senador ang Naga City kung saan personal na sinamahan ito ni Robredo (kasalukuyang kumakandidatong Mayor ng nasabing Lungsod) sa kaniyang house-to house campaign kahit pa naging magkatunggali sila noong nakalipas na 2022 Presidential campaign.
Sabi ni Pacquiao na hinahangaan nito ang karakter ni Robredo sapagkat para sa dating Vice President. “Walang masamang tinapay” na ang ibig sabihin ay hindi nito pine-personal ang kaniyang mga nakatunggali sa politika na makikita sa naging pagtrato nito sa kaniya habang nangangampanya sila sa mga mamamayan ng Naga City.
Nabatid na ipinakilala pa umano ni Robredo sa kaniyang mga kababayan bilang mabait at mapagkakatiwaalaan.
Ipinahayag naman ng dating Pangalawang Pangulo na maaasahan ni Pacquiao ang kaniyang suporta at tulong kahit pa naging magkalaban umano sila nito noong nakalilas na Presidential elections.
“We will always be behind Manny Pacquiao. Magkalaban na kami sa presidente tulong pa din Senator Pacquiao sa akin,” ani Robredo.