Calendar

100 magsasaka sa S. Luzon sasailalim sa farmer’s training ng SM Foundation

INILUNSAD ng SM Foundation ang Kabalikat sa Kabuhayan sa San Juan, Batangas, kung saan 100 magsasaka ang sasabak sa 14-linggong training sa modernong pagsasaka.
Layunin ng naturang farming program na paigtingin ang kaalaman ng mga kalahok sa organikong pagsasaka, crop rotation, at climate-resilient techniques. Kabilang din sa pagsasanay ang financial literacy, bookkeeping, at marketing upang suportahan ang pagpapatayo ng kani-kanilang kabuhayan sa bukid.
Bahagi rin ng programa ang pagbabahagi ng Life Principles ni SM Group founder Henry Sy, Sr. upang bigyang inspirasyon at praktikal na gabay ang mga kalahok sa kanilang personal at propesyonal na pag-unlad.
Matapos ang Batangas, inaasahang ilulunsad din ang KSK program sa Lucena, Quezon at Camarines Sur. Mahigit 30,000 na magsasaka na ang nagtapos sa programa mula nang ito’y simulan, marami sa kanila ay naging seasonal suppliers ng SM Group, local markets, at nagtitinda sa SM Weekend Market.