Pasig

Hiling ng taga-Pasig: Modernong ospital unahin kesa bagong City Hall

22 Views

KINONDENA ng mga residente sa Pasig City ang pasya ng LGU sa lungsod na mas gawing prayoridad ang konstruksyon ng bagong City Hall kaysa sa pagpapatayo ng modernong ospital.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng budget ng LGU na aabot sa P118 billion sa nakalipas na 6 na taon.

Ayon kay Rodel Torres mula sa Maybunga sapat na ang nasabing halaga para mapondohan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga residente sa lungsod.

Ayon kay Torres mas ginawang prayoridad ang pagpapatayo ng bagong City Hall at pinaglaanan ng budget na P9.6 billion.

“Many believe that the funds could be better allocated towards building a hospital that would serve the low-income residents of Pasig,” ayon kay Torres.

Ayon kay Torres bagaman may sapat na pondo na nalilikom ang kasalukuyang admimistrasyon ay hindi naman ito nagagamit para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Dahil dito ay napagkakaitan aniya ng mahahalagang serbisyo ang mga taga-Pasig.