Calendar
SEA Games champs bida sa Sports On Air
IPAGPAPATULOY ng Sports On Air ang pagbibigay-pugay sa mga bayaning atleta sa nakalipas na Southeast Asian Games sa Hanoi sa pinakabago nitong episode ngayong Sabado Mayo 28.
Tatampukan nina SEA Games weightlifting gold medalist Vanessa Sarno, fencing champion Samantha Kyle Catantan at chess silver medal winner GM Darwin Laylo ang naturang usapang sports na pinamamahalaan nina Ed Andaya ng People’s Tonight at Ernest Hernandez ng Sports On Air simula 10:30 a.m.
Si Sarno, na itinuturing na heir apparent ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, ay nagtala ng mga bagong records na 104kg sa snatch, 135kg sa clean and jerk, at 239kg total upang mamayani sa women’s 71kg division.
Si Catantan, na dating pambato ng University of the East, ay nakasungkit ng gold sa women’s individual foil at silver sa women’s team event.
Samantala, si Laylo ay nakipag- tambalan kay IM Paulo Bersamina para maiuwi ang silver medal sa chess.
Ito ang ika 22nd episode ngayong taon ng Sports On Air, ang pinaka-bago at pinaka-mainit sa sports program na nakatutok sa mga Filipino heroes sa lRangsn ng sports.
Last week, itinampok na din ng Sports On Air ang tagumpay nina SEAG gold medalist Mary Francine Padios (pencak silat), silver medalist Mac Valdez (beach handball) at bronze medalist Al Llamas (kurash)
Makakasama din sa naturang talakayan ang mga premyadong manunulat na sina Gerard Arce ng Abante, Ivan Saldajeno ng Philippine News Agency, Gab Fererras ng Sports Corner. PH, Jean
Malanum ng Manila Times at Danny Simon ng Police Files.