NAIA Agad na rumesponde ang mga rescuer matapos ang malagin na insidente sa NAIA Terminal 1. Source: Philippine Red Cross

Poe muling iminungkahi pagtatag ng PTSB

30 Views

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe ng masusing imbestigasyon kaugnay ng malagim na insidente ng banggaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Mayo 4, 2025.

Ayon sa ulat, ikinasawi ng insidente ang isang batang apat na taong gulang at isang lalaking nasa hustong gulang. Ilan pa ang sugatan matapos araruhin ng isang SUV ang pedestrian area malapit sa departure zone ng terminal.

“We support moves for a thorough investigation into the NAIA vehicle crash incident and call for urgent attention to the victims,” saad ni Poe sa isang pahayag.

Tinukoy ng senadora ang tumitinding bilang ng mga aksidente sa kalsada at iginiit ang pangangailangang suriin ang kasalukuyang mga polisiya sa road safety.

“Payapa kang nakaupo bilang pasahero, nagmamaneho nang maingat o naghihintay sa terminal, tapos may bigla na lang babangga sa’yo,” komento niya.

Muling iminungkahi ni Poe ang pagtatatag ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB) – isang ahensyang tututok sa imbestigasyon ng mga insidente sa himpapawid, kalsada, dagat, riles, at mga pipeline systems.

“These cases may be accidents, but many accidents can be prevented or mitigated through proactive measures,” giit niya.

Dagdag pa ng senadora: “The alarming statistics of road mishaps and fatalities calls for the implementation of proactive measures to reduce if not totally curb the accidents.”

Nagpaabot din si Poe ng pasasalamat sa mga opisyal na agad tumugon sa pangyayari.

“As an urgent remedial initiative, we thank Secretary Vince Dizon and New NAIA Infra Corp. President Ramon Ang for personally and immediately responding to the incident,” aniya. “Prompt response by all concerned bodies is imperative in this situation.”

Sa kasalukuyan, hawak na ng mga awtoridad ang drayber na sangkot sa insidente, habang ipinatupad na rin ng Land Transportation Office ang 90-araw na preventive suspension sa kanyang lisensya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.