Abalos

Abalos patuloy ang pag-angat sa survey

Jun I Legaspi May 8, 2025
24 Views

APAT na araw bago ang halalan sa Mayo 12, patuloy ang pag-angat ni senatorial candidate Benhur Abalos, sa mga national survey, batay sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Huwebes, Mayo 8.

Batay sa survey ng SWS na isinagawa mula Mayo 2 hanggang 6, nakakuha si Abalos ng 24% na boto sa voting preference, na nagpapakita ng kanyang paglapit sa magic 12.

Pasok din siya sa hanay ng 10-20 sa survey ng Octa Research noong Abril 20-24.

Umaasa si Abalos sa matibay na suporta mula sa iba’t ibang sektor at mga lokal na opisyal na hayagang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa kanyang kandidatura—kabilang dito ang mga transport group at mga samahan ng mangingisda at magsasaka.

Ilan pang gobernador, kongresista, alkalde, at mga kapitan ng barangay ang nangakong susuporta sa kanyang kampanya, kabilang na ang ilang makapangyarihang personalidad sa mga lalawigang may malaking bilang ng botante tulad ng Cebu, Pangasinan, at Cavite.

Suportado rin si Abalos nina dating pangulo at kandidatong alkalde ng Naga City na si Leni Robredo, at sikat na personalidad na si Vice Ganda.

Binigyang-diin ni RPDM Global Affairs Analyst and Executive Director Dr. Paul Martinez ang kahalagahan ng mga pag-endorso at alyansa mula sa iba’t ibang grupo at lokal na opisyal.

“As election day approaches, the people’s voice becomes more defined. The outcome may hinge on factors such as last-minute endorsements, local alliances, and the effectiveness of political ground operations,” saad ni Martinez.

Itinuro ni Martinez ang makapangyarihang papel ng mga pinunong rehiyonal na ang suporta ay maaaring magbago sa takbo ng karera sa pagkasenador—gaya ni Gobernadora Gwendolyn Garcia ng Cebu na nananatiling makapangyarihan sa isa sa mga lalawigang may pinakamaraming botante sa bansa.

“Command votes in key areas like Cebu are symbolic and decisive. Governor Garcia’s support could be a game-changer for any candidate on the cusp,” binigyang-diin nito.