Calendar

Metro
Parak-NPD inaresto suspek sa rape
Edd Reyes
May 11, 2025
35
Views
NAARESTO ang isang suspek sa panghahalay noong Linggo sa Caloocan City.
Nahuli ang 39-anyos na si alyas Palos, obrero, ng mga pulis ng Northern Police District (NPD) na pinamumunuan ni P/BGen. Josefino Ligan at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camiling St., Brgy. 178, Camarin dakong alas-4:50 ng umaga.
Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Branch 121 para sa kasong panghahalay.
“The NCRPO will be swift, precise and decisive in bringing to justice those who are charged with offenses against women and children,” sabi ni MGen. Anthony Aberin, hepe ng NCRPO.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025