Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
PNP Source: File photo

28 insidente ng vote buying, 28 indibiduwal na sangkot naitala ng PNP

Alfred Dalizon May 12, 2025
22 Views

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., agarang kumilos ang Philippine National Police (PNP) para sugpuin ang vote buying at tiyakin ang integridad ng 2025 National and Local Elections.

Ayon kay PNP chief, General Rommel Francisco D. Marbil, malinaw ang utos ng Pangulo—ang halalang ito ay dapat magpakita ng tunay na boses ng taumbayan, malaya sa pananakot, impluwensya, at pandaraya.

Ayon sa natanggap na mga datus sa ibat-ibang rehiyon, nakapagtala na ang PNP ng 28 insidente ng vote buying na may kabuuang 68 indibidwal na sangkot mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa mga kasong ito, 19 ang naaresto, habang 22 ang kasalukuyang pinaghahanap. Sa kabuuang bilang, limang kaso ang hindi pa naisusumite, isa ang nakapag-post ng piyansa, walo ang for filing, walo din ang na-dismiss, at anim pa ang patuloy na iniimbestigahan.

Dahil dito, nagbabala si Gen. Marbil sa lahat ng indibidwal at grupo na may balak manghimasok sa demokratikong proseso:

“Ito ang tandaan niyo—kahit sino ka pa, gaano ka man kaimpluwensiya, kung ikaw ay sangkot sa vote buying, mananagot ka sa batas. Aarestuhin ka, kakasuhan, at uusigin. Buo ang paninindigan ng kapulisan na tiyakin ang malinis at tapat na halalan. Kaya kung sangkot ka, huminto ka na—dahil mahahanap at mahuhuli ka namin,” ayon sa Hepe ng Pambansang Pulisya.

Patuloy ang pinaigting na operasyon ng PNP kontra pagbili ng boto sa ilalim ng “Kontra Bigay” campaign, na aktibo sa buong bansa hanggang sa huling sandali ng botohan ngayong araw. Ang lahat ng regional at local police units ay naka-high alert at inatasang agarang rumesponde sa anumang ulat ng vote buying o iba pang paglabag sa halalan.

Nananatiling naka- -full alert status ang buong PNP at mas pinaigting ang deployment ng mga pulis sa mga polling centers, election areas of concern, at iba pang kritikal na lugar.

Handa rin ang mga quick response teams at mobile patrols na rumesponde sa anumang insidente para matiyak ang ligtas at maayos na halalan.

Hinihikayat ng PNP ang publiko na makiisa sa laban kontra vote buying sa pamamagitan ng pag-report ng kahina-hinalang aktibidad sa mga opisyal na hotline, pinakamalapit na police station, o sa opisyal na social media pages ng PNP. “Bawat ulat ay mahalaga sa ating kolektibong layunin na protektahan ang demokrasya,” sinabi ni Gen. Marbil.