Posas

Kelot arestado sa boga, bala

16 Views

NADAKMA ng mga pulis noong Lunes ang lalaking may baril sa Brgy. Aya, Talisay, Batangas.

Kinilala ang naaresto na si alyas Mark, na ngayo’y nahaharap sa kasong paglabag RA 10591 (illegal possession of firearms) kaugnay ng COMELEC gun ban.

Nahuli ang suspek ng mga tauhan ng Talisay police bandang alas-12:45 ng madaling araw.

Nahuli siya ng mapansin ng mga pulis na nakaharang sa kalsada ang mga nagprotesta pati ang isang Nissan Navara (NCV 1738).

Napansin ng mga pulis na may naglabas ng baril sa loob ng nasabing sasakyan at pilit na itinatago sa loob ng bag.

Naglalaman ng 9mm pistol ang bag na may walong bala.

Natagpuan din sa suspek ang isang itim na bonnet na nakatago sa brown na sumbrero.