NAIA Source: Screen grab mula Office for Transportation Security

Pasahero may pekeng baril sa NAIA, na-hold

Jun I Legaspi May 13, 2025
17 Views

NASABAT ng mga Security Screening Officer (SSO) ng Office for Transportation Security (OTS) ang laruang baril mula sa bagahe ng isang pasaherong patungong Jakarta, Indonesia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong May 13, 2025.

Nakabalot ang ipinagbabawal na bagay sa pulang tela.

Nasabat ang pekeng baril habang dumadaan sa security procedure sa baggage make-up area ng paliparan.

Napansin ni X-ray operator Richard Plaza ang isang kahina-hinalang bagay na kahawig ng baril sa X-ray monitor.

Ipinaalam niya kay Checkpoint Supervisor Jonathan De Guia ang nakita.

Nakipag-ugnayan sa kinatawan ng airline ang mga nakakita upang matukoy ang pasahero at samahan ito sa baggage make-up area upang saksihan ang manual na inspeksyon ng kanyang bagahe.

Sa presensya ng isang opisyal mula sa Philippine National Police Aviation Security Group, isinagawa ni SSO Paul Felarca ang manual baggage inspection kung saan natuklasan niya ang laruan sa loob ng bagahe ng pasahero.

Itinurn-over sa Philippine National Police Aviation Security Group ang laruang baril para sa wastong disposisyon.

Ayon sa PNP, pinayagang makasakay ang pasahero sa kanyang flight matapos maisagawa ang kaukulang dokumentasyon at kumpiskasyon ng naturang item.