QCPD

Lolo nakitang patay, nakahandusay sa ilalim ng QC footbridge

20 Views

NATAGPUAN ang bangkay ng isang ‘di pa nakikilalang matandang lalaki sa ilalim ng footbridge sa BarangayCentral, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng edad 50-60, may taas na 5’0”, payat at nakasuot ng blue t-shirt at green short pants.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), bandang 7:00 ng umaga nitong Miyerkules (May 14), nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa ilalim ng footbridge sa gilid ng Lung Center, sa Quezon Ave., Brgy. Central, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Erwin Jay Mendez, natagpuan ang biktima ng mga naka-duty na enforcer ng Task Force Disiplina, na sina Gerald Padilla, Lenie Ramos, at Jessie Gavino, sa kanto ng Elliptical Road at corner Quezon Avenue sa lungsod..

Isa umanong concerned citizen ang nagreport sa kanila tungkol sa isang matandang lalaki na nakahandusay sa ilalim ng footbridge.

Dumating sa pinangyarihan ang SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/CMS Federico Manzano at sa pagsusuri, nakitang may sugat sa likod at kanang paa ang biktima, na umano’y pinuputakte na ng uod.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng pagkamatay ng biktima.