Bomb Source: File photo

Lumang bomba nakita ng taga-DPWH sa drainage sa Quiapo

Jon-jon Reyes May 14, 2025
18 Views

HINIHINALANG “vintage bomb” ang natagpuan ng isang maintenance worker ng DPWH habang naglilinis malapit sa simbahan ng Church of God International, sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila, Martes ng umaga

Agad na nakipag ugnayan ang isang Glenn John Reyes,44, may asawa, ng DPWH, sa tanggapan ni Police Major Arnold Echalar, hepe ng Plaza Miranda Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District Station 3 (MPD-3), upang iproseso ang nadiskubreng bomba.

Ayon sa ulat , bandang 7:56 ng umaga,nang magkaroon ng tensyon sa may drainage sa nabanggit na lugar. Agad rumesponde ang mga tauhan ng PCP at nakita ang hinihinalang bomba.

Sinabi ng mga tauhan ng District Explosive Canine Unit (DECU) ng MPD na wala naman umanong kakayahan na makapaminsala ang natagpuang boma. na dinala sa Camp Crame upang suriin.