Calendar

P.9M smuggled na yosi nakumpiska, 2 kelot huli sa Pampanga checkpoint
DALAWANG lalaki noong Miyerkules ang arestado sa checkpoint dahil sa mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P900,000 sa Bgy. Mapalad, Arayat, Pampanga.
Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang dalawang suspek na sina alyas Reyes, 32, ng Bgy. Ang Sta. Cruz, Lubao, Pampanga; at alyas Paco, 28, ng Brgy. Durungao, San Luis, Batangas.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pinahihinto ang sasakyan ng mga suspek sa checkpoint ng Comelec sa Bgy. Mapalad, Arayat, Pampanga.
Gayunpaman, hindi huminto ang mga suspek at mabilis na pinatakbonang sasakyan patungo sa Cabiao, Nueva Ecija.
Hinabol ng Arayat police ang mga ito nakorner ang mga suspek.
Nakumpiska sa sasakyan ang ang 60 kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P900,000 habang na-impound ang puting Nissan NV350 Urvan na may plate number na CAU7953.
Nabigo ang dalawang suspek na magpakita ng kaukulang dokumento para sa mga kahon ng sigarilyo.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa R.A. 7394, R.A. 8293, R.A. 1937 at paglaban at pagsuway laban sa isang ahente ng isang taong may awtoridad.