Calendar

6 na bayan sa Ecija piniling maghalal ng bagong alkalde
LUNGSOD NG CABANATUAN – May anim na bayan sa Nueva Ecija ang piniling maghalal ng mga bagong alkalde nito Mayo 12, 2025 halalan.
Sa Cuyapo, nagwagi si retired police general Jose S. Hidalgo Jr. bilang alkalde, matapos talunin ang tatlong karibal, — ang anak ng incumbent mayor na si Dra. Kim Esteban, batikang aktor at dating provincial board member Rommel Padilla, at incumbent vice mayor Cindy Ramos nitong nakaraang Lunes.
Si Hidalgo Jr., isang dating Police Regional Office 3 director bago nagretiro at sumapi sa pulitika, ay naiproklama nang panalo ng municipal board of canvassers pagkalipas ng hatinggabi noong Martes.
Sa Talavera, si Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez, isang dating tatlong-termer na alkalde, na nagbabalik sa dating puwesto bilang alkalde ay natalo kay municipal councilor Aries Gaboy Lim sa isang close fight na halalan.
Sa San Isidro, muling naagaw ni dating mayor Dong Lopez ang kanyang dating puwesto matapos talunin si re-electionist mayor Ante Tinio ng malaking abante sa botohan.
Tatlong iba pang incumbent mayor ang binoto rin sa mga bayan ng Santa Rosa, General Tinio at General Mamerto Trinidad.
Sa Santa Rosa, ginapi ni Christopher “Tupeng” Aguilar si re-electionist mayor na si Otep Angeles, upang wakasan ang 18-taong pamumuno ng mga Angeles sa lokal na pulitika ng bayan.
Samantala, inihalal ng bayan ng General Tinio ang kanilang bagong alkalde sa katauhan ni acting vice mayor Sherry Ann Bolisay, na tumalo kay re-electionist mayor Isidro T. Pajarillaga.
Sa General Mamerto Natividad, tinalo ng businessman-engineer na si Larry Ponce ang re-electionist mayor na si Anita Arocena.