Ecija Si Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino sa boodle fight sa Jaen. Kuha ni Steve Gosuico

Boodle fight ginanap sa Jaen

Steve A. Gosuico May 15, 2025
25 Views

JAEN, Nueva Ecija–Nanguna si Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino noong Miyerkules sa boodle fight bilang pagdiriwang sa mapayapang halalan sa bayang ito.

Ang event, na ginanap sa municipal police station sa pamumuno ni Major Ernesto Esguerra, pasasalamat din sa kanyang mga tauhan sa pagganap ng tungkulin noong halalan.

Ayon kay Germino, ginawa ang boodle fight upang pagsama-samahin ang lahat ng mga tauhan niya na nakatulong ng malaki sa tagumpay ng kanilang misyon.

Patunay din ito ng kanilang pagkakaisa, sama-samang pagsisikap at dedikasyon sa trabaho na nakatulong upang matiyak ang payapang botohan.