Calendar

Nawawalang VMX star Karen lumutang
WALANG dapat ikabahala ang mga fans ng Vivamax (VMX) sexy star na si Karen Lopez dahil “alive and kicking” ang sexy star, ayon sa kanyang FB post.
Sa kanyang FB post noong Mayo 14, humingi si Lopez ng paumanhin sa pananahimik ng ilang araw.
“Pasensya na talaga kung bigla akong nawala nitong mga nakaraang araw. Kailangan ko lang munang magpahinga at mag-focus sa sarili ko,” sabi ng aktres.
Ipinaliwanag ni Lopez na dumaan siya sa mga bagay na “medyo mabigat mentally and emotionally.”
“Dumaan ako sa mga bagay na medyo mabigat mentally and emotionally, at napagtanto kong kailangan kong unahin ang well-being ko – even if that meant stepping back for a while.”
Sinabi rin ng aktres na-appreciate niya ang concern ng ilang tao.
“Alam kong may ilan sa inyo ang nag alala o nagtaka, at sobrang na-appreciate ko ang messages at support ninyo. Slowly, I’m getting better and trying to comeback stronger, one step at a time.
Salamat sa mga nakaintindi, sa mga nag-reach out at sa mga patuloy na nandyan. Slowly but surely, I’m getting back on track. Appreciate you all so much!” saad ni Lopez.
Matatandaang marami ang nag-aalala sa 21-anyos na Vivamax actress dahil sa kanyang misteryosong pagkawala pati na rin ang kanyang boyfriend.
Sinundo umano ang aktres ng kanyang boyfriend sa condo bandang alas-12:00 ng tanghali noong Mayo 5 at mula raw noon wala ng komunikasyon sa dalawa.
Nitong Miyerkules naglabas ng pahayag ang Quezon City Police District na hinihikayat ang sinumang may direktang kaalaman o koneksyon sa nasabing aktres na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.