Martin1 Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Deputy Speaker Suarez: Speaker Romualdez nakuha suporta ng supermajority sa 20th Congress

17 Views
Suarez
Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez

IDINEKLARA ni Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng Quezon nitong Sabado na tapos na ang usapin kaugnay ng speakership sa paparating na 20th Congress matapos makuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang suporta ng hindi bababa sa 240 kongresista, o two-thirds ng 315 miyembro ng Kamara de Representantes.

“This is already a supermajority,” ani Suarez na nagsabi na ang malawak na suporta ay malinaw na kumpiyansa sa pamumuno at legislative track record ni Speaker Romualdez. “Tapos na. The Speaker has the numbers.”

“As of Saturday afternoon, no less than 240 members have already signed the manifesto of support—and that number keeps climbing,” dagdag pa ni Suarez.

“This is not just about party politics. It’s about unity, output, and trust in the Speaker’s steady hand and principled leadership,” sinabi ng solon.

Ayon kay Suarez, sinuportahan ang inisyatibo ng mga mambabatas mula sa lahat ng pangunahing bloke—kabilang ang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), National Unity Party (NUP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ang Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI)—isang malinaw na patunay ng kakayahan ni Speaker na pag-isahin ang iba’t ibang grupo sa Kamara.

“Speaker Romualdez has shown calm yet decisive leadership. He’s open to all, but never unclear in direction,” ani Suarez. “He has kept the House focused on performance, not partisanship.”

Ang napakalawak na pagpapakita ng suporta, ayon kay Suarez, ay nagpapakita ng hangarin ng mga mambabatas na ipagpatuloy ang mga tagumpay ng Ika-19 na Kongreso sa ilalim ng parehong liderato na nagtulak para sa transparency, napapanahong badyet at mahahalagang reporma.

“His record speaks for itself: two national budgets passed on time, responsive legislation during national crises, and economic measures that position our country for sustained growth,” diin ni Suarez. “Continuity matters.”

Binigyang-diin din ni Suarez na nananatiling si Speaker Romualdez ang pinakamalakas at pinakamaaasahang katuwang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa Kongreso sa pagsusulong ng Bagong Pilipinas agenda na nakatuon sa resulta at maayos na pamahalaan.

“Siya ang pinakamatibay na poste ni Pangulong Marcos sa Kongreso—matatag, mahinahon at may paninindigan,” ani Suarez.

Bagaman wala pang nakatakdang pormal na seremonya, inaasahang magkakaroon ng ganap na deklarasyon ng suporta ang iba’t ibang partido bago ang pagbubukas ng Ika-20 Kongreso sa Hulyo.

“With this kind of broad support, any attempt to challenge the Speaker’s leadership is simply unrealistic,” ani Suarez. “The House wants stability and progress, and Speaker Romualdez delivers both.”