Lunod

10-anyos na batang lalaki nilamon ng dagat sa Bulacan

Bernard Galang May 18, 2025
17 Views

ISANG 10-anyos na batang lalaki ang nalunod noong Sabado sa isang resort sa Calumpit Bulacan.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen Jean Fajardo, kinilala ng Bulacan police ang biktima sa pangalang Jose, ng Baseco, Compound Port Area, Manila.

Sa inisyal na pagsisiyasat, ang pamilya at ilang kaanak ng biktima ay nag-swimming sa nasabing resort sa Calumpit, Bulacan.

Bandang alas-6 ng gabi, ipinaalam ng pamilya sa pamunuan ng resort na nawawala ang bata.

Sa kabila ng mga pagsisikap na hanapin ang bata buong gabi ay hindi ito natagpuan.

Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa lagoon.

Idineklarang dead on arrival ang bata sa Calumpit District Hospital.