Calendar

Pusong Pinoy binigyan ng bagong mandato
MULING nabigyan ng bagong mandato ang Pusong Pinoy Party List na nirerepresenta ni Cong. Jett Nisay matapos makakuha ng sapat na boto noong eleksyon.
Ikinampanya ang party list ng mga magkakapatid na Gov. Joet Garcia, Cong. Abet Garcia, Gila, Garcia, Mayor Francis Garcia at Cong. Tony Roman kasama ang mga reelectionist mayors sa Bataan na kasama sa 1Bataan.
“Sa muling pagtitiwala ninyo sa Pusong Pinoy Partylist na makapasok ngayong 20th Congress, lubos na kagalakan, buong kababaang loob at buong pusong pagpapasalamat ang nais ko pong ipaabot sa 266,623 na sumuporta sa ating Partylist,” ani Cong. Nisay.
“At asahan po ninyo ngayong ating ikalawang termino kasama ang buong 1Bataan, ay ipagpapatuloy natin ang mas tapat at mas mahusay na pagseserbisyo upang mas mai-angat ang kalidad ng buhay at pamumuhay ng ating mga kababayan.
Mas patuloy tayong aabot para sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan at kaunlaran ng bawat sektor ng Pamilyang Pilipino,” dagdag pa ni. Cong. Nisay.