Germino Si Nueva Ecija cop chief P/Col. Ferdinand Germino sa boodle fight para sa kanyang mga tauhan at miyembro ng Philippine Army pagkatapos ng halalan sa lalawigan. Kuha ni STEVE GOSUICO

NE pulis pinasalamatan sa pamamagitan ng boodle fight

Steve A. Gosuico May 18, 2025
78 Views

CABANATUAN CITY–Isang boodle fight ang naganap sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) bilang pagbigay-pugay ni Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino sa kanyang mga tauhan sa katatapos na halalan.

Nagsilbing thanksgiving na ginanap sa Nueva Ecija provincial police gymnasium noong Biyernes ang boodle fight.

Dinaluhan ang event ni Police Regional Office 3 intelligence chief Col. Dante A. Lubos, na kumatawan kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig.Gen. Jean S. Fajardo.

Naroon din ang mga miyembro ng command group at staff ni Germino, mga rank-and-file personnel, mga sundalo mula sa Army’s 7th Infantry Division na nakipagtulungan sa pulisya noong eleksyon.

“Today we gather here not just to share a meal but to celebrate a great achievement. Sabi ko nga, victory loves preparation. Napakahalaga ang pagiging handa muna lagi bago mo tangkaing kamtin ang tagumpay,” sabi ng police colonel.

Nagsilbing kulminasyon ng boodle fight ng sama-samang pagsisikap na ginawa ng NEPPO sa panahon ng halalan.