Pagcor Binigyang-diin ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang kahalagahan ng pagkakaisa ng buong lipunan sa paglaban sa adiksyon sa sugal sa ginanap na 2nd International Conference on Responsible Gambling and Addiction sa Quezon City.

Tengco nanawagan ng mas malawak na pagtutulungan vs adiksyon sa sugal

22 Views
Pagcor1
Kasama ni Chairman Tengco (ikalawa mula sa kanan) sa entablado sina DILG Assistant Secretary Jesi Howard Lanete (pinakahuli sa kanan), Quezon City Mayor Joy Belmonte (ikatlo mula sa kanan), at Seagulls Flock Organization (SFO) President Teresita Castillo (ikaapat mula sa kanan), at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor, upang ipahayag ang kanilang pagkakaisa laban sa lumalalang problema ukol sa pagkagumon sa sugal.

NANAWAGAN si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ng mas malawak na pagtutulungan sa mga nasa industriya ng sugal upang labanan ang masasamang epekto ng pagkalulong dito.

Sa 2nd International Conference on Responsible Gambling and Addiction nitong Mayo 17, sinabi ni G. Tengco na mahalaga ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan para mapigilan ang mga problemang dulot ng labis na pagsusugal.

“As regulators, policymakers, industry operators, healthcare professionals, and academicians, we must not only share knowledge but work together to understand, prevent, and address the threats posed by problem gambling,” ani Chairman Tengco.

Binanggit din niya na ang tema ng event na “Empowering Pathways: Problem Gambling and Gaming Prevention, Treatment, and Recovery” ay tumutugon sa mga inisyatiba ng PAGCOR ukol sa responsableng paglalaro.

Kabilang sa mga polisiya ng PAGCOR kontra sa masasamang epekto ng sugal, ani G. Tengco, ang pagbabawal sa mga menor de edad, estudyante, at aktibong empleyado ng gobyerno mula sa mga gaming venue.

Tampok din dito ang Responsible Gaming Program na kinabibilangan ng self- o family-initiated exclusion, regulasyon sa gaming ads, at pakikipagtulungan sa mga rehabilitation center.

“Gaming carries social risks, but with proper safeguards and cooperation among all sectors, we can protect the safety and welfare of our players,” dagdag pa ni Tengco.