Calendar

Van vs bus sa Antique; driver dedo, 14 pasahero sugatan

PATAY ang isang driver habang sugatan naman ang 14 na iba pang pasahero sa salpukan ng isang bus at tourist van Lunes ng umaga sa Barangay Fragante, Pandan, Antique.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang driver ng van na si Dioleto Nagor, 64-anyos habang nagtamo naman ng minor injuries sa katawan ang iba pang biktima na nadala din sa pagamutan.
Naganap ang insidente dakong 6:45 ng umaga sa pakurbang bahagi ng national highway sa naturang lugar.
Ayon sa ulat, patungo ang Ceres bus sa Kalibo habang galing naman sa Caticlan ang tourist bus.
Makikita sa CCTV footage na mabilis ang takbo ng van at kinain nito ang kabilang linya kaya’t sumalpok sa kasalubong na bus.
Dahil sa lakas ng impact ng banggaan ay inararo ng bus ang isang bahay na nasa kabilang kalsada.
Labing –isa sa mga nasugatan ay pasahero at driver ng bus habang ang dalawa pa ay mula naman sa van.
Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.