2 nagpa-gas sabay takas sa Payatas huli
Apr 21, 2026
Girlalu bistado pagka-Marites ng ex-boyfie
Apr 21, 2026
Calendar
Metro
May boga palakad-lakad, tiklo
Edd Reyes
May 19, 2025
356
Views
KULONG ang inabot ng isang lalaki nang mahuli na palakad-lakad sa kalsada habang may baril noong Linggo sa Caloocan City.
Dakong ala-1:00 ng madaling araw, ayon sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, naispatan ng mga pulis ang lalaking may dalang baril na ang itsura tumutugma sa deskripsiyon ng nagsumbong sa Gumamela St. Brgy. 185.
Nang makatunog ang suspek na si alyas Tenga, inihagis niya sa gilid ng bangketa ang kalibre .38 revolver na may dalawang bala at nahuli na rin siya.
Kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Batas Pambansa Blg. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) ang isinampa ng mga pulis sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
2 nagpa-gas sabay takas sa Payatas huli
Apr 21, 2026
Reklamo bumuhos sa sunog sa Navotas landfill
Apr 21, 2026
Outing nauwi sa trahedya; batang lalaki, 7, nalunod
Apr 20, 2026
Todas na 1 pasahero ng sumalpok na jeep sa poste
Apr 20, 2026

