Lacson

Lacson: Balita ng pakikipagpulong kay VP Sara maling-mali,malisyoso

17 Views

ITINANGGI ni Senator-elect Ping Lacson ang kumakalat na ulat na nagsasabing nagkaroon siya ng pagpupulong, kasama ang isa pang bagong halal na senador, kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte kung saan ay iginiit niyang ito ay tsismis at walang katotohanan.

Sa isang pahayag na inilabas ngayong Mayo 20, mariing sinabi ni Lacson na ang naturang balita ay maling mali at sobrang malisyoso.

“Absolutely false and outright malicious,”aniya.

Ipinaliwanag niyang hindi siya maaaring makipagtagpo sa Pangalawang Pangulong Duterte dahil sa kanyang posibleng gampanan bilang isa sa mga senator-judge sa nalalapit na impeachment trial ni VP Sara.

“As an elected senator who is a potential senator-judge in the impeachment trial involving the Vice President… it is the height of impropriety to meet with her,” saad niya.

Ibinunyag din ni Lacson na naipasa na sa Senado ang impeachment case at lalong karapatan sinuman sa kanila na makipag ugnayan Dito.

Dagdag pa niya, sa ilalim ng normal na kalagayan, wala namang masama sa courtesy visits sa mga matataas na opisyal ng gobyerno.

“Which I actually did with then VP Robredo when I won my third term in 2016,” aniya.

Walang binanggit sa pahayag kung saan nagmula ang tsismis o kung sino ang tinutukoy na isa pang senador na umano’y kasama sa nasabing pagpupulong.

Gayunman, nanindigan si Lacson na tsismis aniya ito at walang katotohanan.