Magsasaka Kasama sa gawain sina Gov. Joet Garcia, Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Rice Industry Development Engr. Christopher Morales, DA-RFO III Regional Executive Director Eduardo Lapuz, Provincial Agriculturist Engr. Johanna Dizon at Provincial Veterinarian Dr. Alberto Venturina “Maraming salamat po at mabuhay ang mga magsasaka at mangingisda ng ating Lalawigan,” ani Mayor Jopet Inton.

Mga magsasaka, mangingisda kinilalang mga bayani sa Bataan

Christian Supnad May 20, 2025
23 Views

BALANGA CITY, Bataan–Ginaganap simula noong Lunes ang Farmers and Fisherfolks’ Congress sa sa Bataan Tourism Pavilion, Balanga City.

May temang “Pagpupugay sa mga Bayani ng Kabukiran at Karagatan, Sa Makabagong Kamalayan at Likas-kayang Kaunlaran, Pagkain ay Handog sa Bawat Tahanan,” dumalo si Congresswoman Gila Garcia sa event.

Layunin ng event na bigyang pagkilala ang mga natatanging magsasaka at mangingisda; mga pamahalaang lokal sa sektor ng agrikultura at pangisdaan; pagtatampok sa mga produktong mula sa bawat bayan sa Bataan.

“Bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng mga bayaning magsasaka at mangingisda sa ating lalawigan, tayo po’y nakiisa sa Farmers and Fisherfolk Congress sa Tourism Pavilion,” sabi ng kongresista.

“Bilang inyong kinatawan sa Kongreso, makaaasa po kayo na patuloy tayong magsusulong ng mga panukalang batas, programa at proyekto na magpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ng ating lalawigan,” ani Congw. Garcia.