Suspek na tulak ng droga, arestado

Gil Aman May 20, 2025
12 Views

CAMP BGEN Vicente P. Lim–Arestado ang isang hinihinalang tulak ng droga at nabawi din ang P680,000 na halaga ng shabu na dala ng suspek sa F. Manalo St., Brgy. San Roque, Antipolo City noong Linggo.

Ayon sa ulat, namataan ng mga pulis na sina Pat. Adonis Briola at P/Cpl. Allen Jeille Ciar ang isang lalaki na naglalakad at nakasuot ng helmet.

Nang tanungin kung saan siya pupunta, biglang itinapon ang kanyang itim na belt bag at tumakbo palayo pero nakalawit siya ng mga pulis.

Narekober sa suspek ang isang plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 100 gramo at nagkakahalaga ng P680,000.