Santiago Isinalaysay ni NBI Director Jaime B.Santiago (kaliwa) ang pagkakaaresto sa dating konsehal sa Maynila sa NAIA 1 sa Pasay City dahil sa kasong kidnap for ransom. Mga kuha ni JONJON C. REYES

Ex- konsehal inaresto sa NAIA ng NBI sa kasong kidnap-for-ransom

Jon-jon Reyes May 22, 2025
26 Views

INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating konsehal sa aynila dahil Maynila kasong pagkidnap for ransom, matapos mapag alaman ng operatiba ang pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay nitong Martes.

Kinilala ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago ang akusado na may outstanding warrant of arrest para sa kidnapping for ransom laban kay alias Erick.

Ang dating konsehal ay isa sa limang akusado sa kasong kidnapping for ransom na isinampa sa RTC Branch 61, Makati City.

Ayon sa report, nabatid na ang suspek ay darating mula Las Vegas sa Mayo 20, 2025 sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City. Agad na ipinadala ni Director Santiago ang kanyang mga ahente ng International Airport Investigation Division (IAID) sa nasabing paliparan.

Nang dumating ang suspek sa NAIA bandang alas-10:37 ng umaga, ssinalubong at sinamahan agad ito ng mga operatiba ng IAID bitbit ang warrant of arrest nito na inilabas ng korte.

Pagkatapos ay iprinoseso ito sa NBI-National Capital Region (NCR) sa Maynila.

Itinurn-over ang suspek sa NBI detention facility sa Muntinlupa City para sa kaukulang kustodiya. Ang warrant ay ibinalik sa nag-isyu na hukuman sa sumunod na araw.