Calendar

Rigodon sa Gabinete hakbang patungo sa mas matatag na pamahalaan— Libanan
IKINATUWA ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ang isinagawang reorganisasyon sa Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na tinawag niyang malinaw na patunay ng pagtutok ng Punong Ehekutibo sa mabuting pamamahala at responsableng pamumuno.
“We welcome President Ferdinand Marcos Jr.’s decision to reorganize the Cabinet—a move that underscores his ongoing commitment to responsive and effective governance,” ani Libanan.
Ayon kay Libanan, ipinapakita ng hakbang na ito ng Pangulo ang isang progresibong pananaw sa pampublikong serbisyo at ang determinasyon ng administrasyon na ilagay ang mga karapat-dapat na tao sa tamang posisyon.
“This decisive action reflects the President’s resolve to uphold the highest standards of public service by placing the right individuals in key positions to address the ever-evolving needs of the Filipino people,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Libanan na ang pagbabago, kung nakaugat sa malinaw na pamumuno at layunin, ay maaaring maghatid ng positibong pagbabago.
“Change, when led by a clear vision and strong leadership, can infuse new energy and sharpen focus in tackling the pressing challenges of our time,” aniya.
Dagdag pa niya, ang reorganisasyon ay nagbubukas ng panibagong pagkakataon para sa mas mainam na pamahalaan at mas mataas na tiwala ng publiko.
“The reorganization presents an opportunity to reinforce institutional coherence, improve policy implementation, and deepen public engagement,” sabi ni Libanan.
Muling ipinahayag ni Libanan ang suporta ng Minority bloc sa mas malawak na mga layunin ng Pangulo para sa bansa.
“We fully support the President’s efforts to advance a dynamic and inclusive national agenda,” ani Libanan.
Tiniyak din niya sa publiko na handang makipagtulungan ang Minority bloc sa bagong reorganisadong Gabinete.
“The Minority stands ready to work in constructive partnership with the reorganized Cabinet in pursuit of our shared goals: stability, prosperity, and progress for the Philippines,” pagtatapos ni Libanan.