Kulong

2 lalaki huli sa P2M shabu sa QC

17 Views

SWAK sa selda ang dalawang pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga nang mahulihan ng mahigit P2 milyong halaga ng shabu sa buy-bust sa Quezon City noong Miyerkules.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) officer-in-charge P/Col. Randy Silvio ang mga suspek na sina alyas Fahad, 22; at Romel, 18, ng Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Elvin Ballesteros, alas-10:41 ng gabi ng ikasa ang buy bust laban sa mga suspek sa Florville Extension, Brgy. Tandang Sora.

Habang naka-abang ang mga tauhan ng DDEU at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) isang poseur-buyer ang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng P75,000 na halaga ng shabu.

Nang magpositibo, doon na hinuli ang dalawang suspek na nakuhanan ng 301.06 na gramo ng shabu na may halagang P2,047,208, cellphone at buy-bust money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga suspek.