Enrico Merioles

Tubig para sa masaganang pagsasaka

Rico Merioles Feb 12, 2022
646 Views

ISA sa mga programa ng gobyerno na naging matagumpay ay ang Masagana 99 noong administrasyon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Natamo ng ating mga magsasaka ang aning 99 na cavans o sako at mahigit pa sa pamamagitan ng sapat na kreditoo pautang na ginamit sa pagbili ng tamang binhi at pataba. Dahil sa programang ito, ang Pilipinas ay nagkaroon ng sapat na bigas sa sambayanan at naging “net exporter” ng bigas noong 1973 at 1974.

Isa sa mga mahalagang elemento o aspeto ng Masagana 99 ay ang sapat na patubig para sa irigasyon ng palay. Bago pa man nailunsad ang programa, si Pangulong Marcos ay nakapagpatayo ng mga malalaking water impoundments o dams. Kabilang samga ito ay ang Upper Pampanga River Project, Angat Multipurpose Power and Hydroelectric Project at Magat Irrigation Project.

Libu-libong ektarya ng palayan at sakahan ang nabiyayaan ng mga patubig na ito sa Gitnang Luzon, na siyang pinagmulan ng bigas para sa sambayanang Pilipino. Pinatibay nito ang paging “Rice Granary” ng bansa. Dahil sa saganang tinamasa ng Pilipinas, nabigyan tayo ng pag-asa ng isang masaganang kinabukasan.

Sa panahong ng eleksyon ngayong taon, napakahalaga na marinig natin sa mga kandidato ang isang programang magpapanumbalik sa masigla sakahan at maunlad na mgamagsasaka. Kailangan nating maibsan ang pag aangkat ng bigas sa ibang bansa. Para sa bansang tulad ng Pilipinas, ito ay napakahalagang programa.

Ang dams o water impoundments ay mahalaga sa ating bayan na nagkakaroon ng matinding pag ulan tuwing Hulyo hanggangOktubre taun-taon.

Ang pagbaha ay isang kalamidad nanangyayari tuwing may malakas na pag ulan dahil sa bagyo. Dahil sa kawalan ng sapat na water impoundments system, nasasayang lamang ang tubig-ulan at hindi napapakinabangan.

Ang malalaking dams ay napagkukunan din ng elektrisidad sapamamagitan ng hydro-electric power projects, lalo na sa isang bansa tulad natin na nagkakaroon ng kapos na kuryente satuwina. Ang isang malaking bahagi ng ating pinagkukukunan ng kuryente ay ang Angat Dam sa Bulacan.

Sa maikling salita, ang dams o water impoundments ay napakahalaga sa kabuhayan ng ating bansa. Ito ay pinanggagalingan ng patubig para sa sakahan at nakakatulong sa pag-imbak ng ulan para maibsan ang baha sa lowlands tuwing tag-ulan. Ito rin ay napagkukunan ng elektrisidad para maibsan ang brownouts sa tuwina.

Sa ganang akin, importanteng isyu ang dams o water impoundments na mapag usapan sa eleksyong ito. Ang problema lang ay walang kandidato na nag uungkat tungkol ditokundi si BBM lamang.

Sa isang panayam ay nabanggit niya ang kahalagahan ng dams at nasambit niya na para sa short-term mas mabilis na magagawa ang mga malilit na water impoundments para sa irigasyon ng komunidad.

Maliban kay BBM ay wala nang iba