Calendar

57 entries sasagupa sa unang araw ng WSC 2 semis
NASA 57 entries ang nakatakdang magsagupa ngayong gabi para sa unang araw ng semifinals ng ikalawang edisyon ng 2025 World Slasher Cup 2 9-Cock Invitational Derby matapos malampasan ang two-cock elimination rounds Myerkules ng gabi, Mayo 21, sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.
Makikipagbakbakan sa three-cock semi-final round sina sabong legend Nene Abello/Rodel JDB, Jimmy Junsay, Jeffrey Sy/Alwyn Sy, Dr. Buddy Robrigado, ATK/TRB/Rod Advincula, Enzo Uy, AEJ Bros., Engr. Emer Sumigad,
Michael Pesigan/Anthony Garcia, VG Lacson, Louie Bruno/Gian Christian Cabarloc, Ronnie Pastor, Engr. Reynaldo Dalanon, Don Don Hain, Danny Lim, Tony Tumalad, Joe Alimbuyugen/JC Luckyman/RKLA, Engr. James Rabano and CPB, Bobby Fernandez/James Uy, Engr. Rey Manzano, Derek Paquiz, Jess Floro, Conrad Siochi, Anthony Ramos, Joey Dastas, Carrie Chua/JJC, Doc Ayong Lorenzo/Boyet Plaza, Mike Romulo/Tonio Romulo, Jojo Gatlabayan/Atty. Lawrence Villanueva/A. Biton, Bentot Panganiban, Raffy Turingan/Geofrey Gonzales, Frank Berin/JLA, Kap Walter; na mayroong tig-dalawang panalo sa elimination round.
Aabante rin sa semi-finals ang mga kalahok na nakapagtala ng tig-isa’t kalahating puntos at isang panalo sa elimination round.
Samantala, may karagdagan pang 59 entries o sultada ang nakatakta ring magsagupa sa ikalawang araw ng semis sa araw sa Sabado, Mayo 24, na pinangungunahan Ryan Rolando/Fred Fernan, Ricky Magtuto, Engr. Sumigad/Engr. James Rabano, Al Estudilio, Jessie Viceo, Padz Barreda, Jessie Tapida Jr./Asisclo Manarin, Zaldh Dagdag/Romeo Gamboa, Ajho Dimaano, Fiscal Villanueva, Carlos Tumpalan, Carlo Arguelles, Frank Taianao/Guam Boys, Ed Jaraba, Frederick Agpalasin, Bebot Uy/Voltaire Atienzar/Jojo Bacar/D. Broker, JB Bernos/Jun Durano, Capt. JQ De Castro/Capt. VSQ, Patrick Villalon/Rolo Urquico/Harold Imperial, Mr. Bank/Frank Berin, Mr. Bank/Arnold Dela Cruz, and JB Bernos/VG Lacson/John Lee/E. Arañez; , na parehong nakapagtala ng tig-dalawang panalo at walang talo pagkatapos ng elimination round.
Ang mga magwawagi sa semi-finals ay aabante sa four-cock pre-finals sa Mayo 26 at grand finals sa Mayo 27 kung saan tatanghalin ang bagong kampeon ng nasabing torneo.
Sa mga nais na masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari po silang bumili ng ticket sa Ticketnet o di kaya sa www.worldslashcup.ph.