PCG Source: PCG

Diplomatic protest vs pag-water cannon ng Tsina sa barko ng BFAR hiniling

15 Views

MARIING kinondena ni Senator Joel Villanueva ang ginawang agresyon ng China Coast Guard laban sa BRP Datu Sanday, isang research vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na paulit-ulit na tinarget ng water cannon malapit sa Sandy Cay, sa karagatang sakop ng Pag-asa Island na pag aari ng Pilipinas.

“We condemn, in the strongest possible terms, China’s blatant display of aggression and cowardly bullying against Filipino civilians doing research within our waters,” pahayag ni Villanueva, kasunod ng ulat na sinadyang harangin at pilit itaboy ng Chinese Coast Guard ang naturang sibilyang barko.

Ipinunto ng senador na habang isinasagawa ang joint maritime drills ng Philippine at U.S. Coast Guards sa karagatang sakop ng Palawan at Occidental Mindoro, piniling umatake ng China sa hindi armadong sasakyang sibilyan.

“This is not just about defending our sovereignty and sovereign rights—it is about safeguarding the lives and welfare of our citizens,” aniya pa.

Nanawagan siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) na gamitin ang lahat ng posibleng paraan upang muling magsumite ng pormal na diplomatic protest laban sa China.

Ayon sa mga opisyal ng BFAR, ito ang unang pagkakataon na ginamitan ng water cannon ang kanilang mga research vessel sa nasabing lugar, na nagresulta sa pinsala sa unahang bahagi at tambutso ng barko.

Sa kabila nito, nakumpleto pa rin ng mga siyentipiko ang kanilang operasyon sa Pag-asa Cays 1, 2, at 3.

Samantala, kapwa mariin din ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, na matagal nang tumututok sa mga insidente ng panggigipit sa West Philippine Sea.

“This no longer comes as a surprise, given that the China Coast Guard has been continuously harassing our maritime scientists and uniformed personnel for several years now, with no signs of letting up,” aniya.

Idinagdag ni Estrada na hindi umano dapat magpakita ng pagtupi Ang ating bansa kahit pa higante ang sumusugod sa atin.

“We will not be intimidated and will stand our ground in protesting each and every provocation and violation of our sovereignty and dignity.” ani Estrada.

Nanawagan rin siya ng matatag at walang pasubaling diplomatic protest, kasabay ng panawagan na palakasin ang ugnayan sa mga bansang kapareho ng ating paninindigan.

“We should strengthen our engagement and security cooperation with our allies to protect our citizens and our territorial integrity,” giit niEstrada.

Sa pandaigdigang tugon, kinondena rin ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson ang kilos ng China at tinawag itong mapanganib at walang konsiderasyon sa buhay.

“We stand with our Philippine allies in support of international law and a free and open Indo-Pacific,” saad ni Amb. Carlson sa isang opisyal na pahayag.

Sa patuloy na serye ng insidente sa West Philippine Sea, nanawagan ang mga mambabatas sa mas masigasig na pagkilos—hindi lamang upang ipagtanggol ang karapatan ng bansa, kundi upang tiyaking ligtas at protektado ang bawat Pilipino sa sariling karagatan.