Shabu1 Source: PRO3 file photo

P1.3M shabu, boga nakumpiska, 2 huli sa Bulacan, Pampanga anti-drug ops

Bernard Galang May 24, 2025
61 Views

CAMP OLIVAS, City of San Fernando–Arestado ang dalawang drug suspek at nasamsaman ng mahigit P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu at baril sa anti-drug operation noong Sabado sa Bulacan at Pampanga.

Sa Guiguinto, Bulacan, humantong sa pagkakaaresto kay alyas Anok, 44, ang buy-bust ng Station Drug Enforcement Unit ng Guiguinto police sa Brgy. Panginay.

Nakumpiska mula sa suspek ang 96.42 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P655,600, isang cal .38 pistol, tatlong bala at buy-bust money.

Sa operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 3 (RPDEU-3) at Guagua police sa Brgy. Bancal, Guagua, Pampanga, naaresto si alyas Bert, 40.

Nakuhanan ang naaresto ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, marked money at weighing scale.

Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 ang dalawang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 si alyas Anok.

“Ang dalawang matagumpay na operasyon na ito nagpapatunay sa dedikasyon ng ating kapulisan para labanan ang ilegal na droga. Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya para mapanatili ang kapayapa,” sabi ni PRO-3 director P/Brig. Gen. Jean Fajardo.