Calendar

Kampanya ng LTO vs colorum na MC taxis pinuri ni Valeriano
PINAPURIHAN ng chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano ang gagawing pagpapaigting ng kampanya ng Lamd Transportation Office (LTO) laban sa mga colorum motorcycle (MC) taxis.
Paliwanag ni Valeriano na ang ilulunsad na kampanya ng LTO laban sa mga colorum na MC taxis ay para lamang tiyakin ang kaligtasan ng libo-libong commuters na tumatangkililk ng motorcycle taxis na higit na mas mababa ang pamasahe kumpara sa ibang public transportation.
Pagbibigag diin ng kongresista na ang isang colorum o kaya’y hindi rehistradong MC rider ay nagsisilbing malaking banta para sa kaligtasan ng mga mananakay sapagkat may ilang riders ang walang ingat sa kanilang pagmamaneho.
Hinihiling din ni Valeriano na bilang chairman ng Committee on Metro Manila Development dapat magpatuloy aniya ang pagpapaigting ng kamoanya ng LTO laban sa mga colorum na MC taxis kasama na rin ang mga abusadong riders na walang ingat sa kanilang pagmamaneho dahil inilalagay umano nila sa peligro ang buhay ng kanilang mga pasahero.
“Sang-ayon ako sa pagpapaigting ng kampanya ng LTO laban sa mga hindi rehistradong MC taxis dahil inilalagay nila sa peligro ang buhay ng kanilang mga pasahero. Dapat pa nga ay gawin nila itong isang total crackdown para narin sa kapakanan at kaligtasan ng mga mananakay,” ani Valeriano.