Calendar

Demolisyon sa Tondo hinarangan, 4 nasakote
INARESTO ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang 4 na lalaki at kakasuhan din ng obstruction dahil sa pagharang sa demolisyon sa Mayhaligue St. sa Tondo, Manila noong Lunes.
Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga awtoridad at residente ng Brgy. 262 at 264 sa Tondo matapos subukang pasukin at gibain ang mga kabahayan sa nasabing lugar.
Subalit nabigo ang mga kapulisan at mga demolisyon team matapos manlaban at magsagawa ng barikada ang mga residente at isinara ang dalawang gate sa bukana ng mga papasuking mga kabahayan.
Inaaresto sina alyas Eric, 28; Lope, 32; Iron, 26; at Mark Gil, 35, na promotor sa panghaharang.
Halos umabot ng 5 oras ang demolisyon na nauwi ito sa mapayapang pagtatapos dahil nag-pullout na ang mga pulis at ibang naatasan na ipatupad ang demolition order sa utos ng Korte.
Bago mag-pullout, tatlong beses sinubukang buwagin ang barikada at gumamit pa ng bumbero para bombahin ang mga pumipigil sa demolisyon.
Sa ngayon, ipinagpaliban ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 24 ang demolition.
Sinabi ni Angelina Consulta na ilang dekada na silang nananatili sa lugar kaya nararapat lamang na hindi sila basta-basta na lamang palayasin.