Alalahanin ngayong Pasko mga biktima ng bagoy — PBBM
Nov 18, 2024
Ogie sa pagpo-produce kay Liza: Ako pa ba?
Nov 18, 2024
Catriona nagmukhang naka-apron sa Miss U
Nov 18, 2024
Calendar
Nation
SWS: Walang makain dumami
Peoples Taliba Editor
Jun 7, 2022
252
Views
NADAGDAGAN ang bilang ng pamilyang Pilipino na naranasan na walang makain sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa survey na isinagawa mula Abril 19 hanggang 27, umakyat sa 12.2 porsyento o 3.1 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas na walang makain.
Mas mataas ito sa 11.8 porsyento o tinatayang 3.0 milyong pamilyang Pilipino na naitalang nakaranas na magutom sa survey noong Disyembre 2021 at sa 10 porsyento o tinatayang 2.5 milyong pamilyang Pilipino sa survey noong Setyembre 2021.
Mas mababa naman ito sa 13.1 porsyento na siyang annual average noong 2021.
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,400 respondents na edad 18 taong gulang pataas. Mayroon itong sampling error margin na ±2.6 porsyento.
Alalahanin ngayong Pasko mga biktima ng bagoy — PBBM
Nov 18, 2024
Batangas City mayor tumanggap ng award sa USAID, MBC
Nov 18, 2024