Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Posas Source: File photo

Backhoe operator na napisak katrabaho nasa kustodya na ng pulisya

370 Views

NASA kustodiya ng mga pulis ang backhoe operator na aksidenteng napatay ang kasama niya sa trabaho noong Sabado sa Quezon City makaraang tamaan at mapisak ng backhoe na kanyang ino-operate.

Dead-on-arrival sa ospital ang 41-anyos na biktima habang hawak na ng mga pulis ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang backhoe operator.

Nangyari ang insidente bandang alas-2:15 ng hapon sa isang construction site sa Brgy. Ugong Norte, QC.

Nasa construction site at nagtatrabaho ang biktima at suspek ng aksidenteng tamaan ng backhoe ang biktima na pinaaandar ng suspek.

Natumba ang biktima at tinangkang iahon ng backhoe operator subalit hindi na gumagalaw at namatay bago pa madala sa ospital.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang backhoe operator.